Free Web Hosting  

Ang Guryon Ildefonso Santos Nasa tiyaga at pagsisikap ang tagumpay ng tao. Tanggapin mo, anak, itong munting guryon na yari sa patpat at papel de HaponMagandang laruang pula, puti, asul;,Na may pangalan mong sa gitna naroon. Ang hiling ko lamang, bago paliparin,Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;Ang solo’t paulo’y sukating magalingNang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Saka, pag umihip ang hangin, ilabasAt sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapuwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma’t hindi, bilang-araw, ikaw ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, matangay ng iba o kaya’y mapatid; Kung saka-sakaling din a mapabalik maawaing kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan man sumuot… O,paliparin mo’t ihalik sa Diyos, Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob! Ikaw….Lamok Nelly V. Magabulo May nga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog Isang malalim na gabi’y napagmasdan kita.Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng kapatid ko. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip nang nag isip. Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga at nagsisimula n asana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan na akong hindi makatulog. Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya’y nagging bahagi ka na rin ng isipang yaon. Ikaw na isang lamok lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumisipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako. Tulad mo rin na kunwa’y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinaatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo. Ganoon din sila, na kapagbumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang nga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan. Ganun din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang nga tao palang iyon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumili ng aking kakaibiganin. Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay nang hindi aasa sa iba. Bakit nga ba? A, hindi bale na lang. Kahit ka magkagayo’y nagpapasalamat pa rin ako. Itinuturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan. Maraming salamat , Kaibigang Lamok. Tinig ng “Teen-ager” Teo S. Baylen Sino Kaya ang nararapat sisihin sa pagbabagong nagaganap sa buhay ng isang teen-ager: ang tahanan, paaralan o simbahan? Naglalagos sa silid ko ang pang-uyam. Ng tahanan. Ng simbaha’t paaralan: Buti nga raw, pagka’t ako’y kakahiyan at pasanin ng lipuna’t sambayanan. At sa aking kamusmusa’y ibinunton ang kanilang kamaliang dugtung-dugtong: Kahihiyang ibig nilang maikanlong sa dilim ng parusang akin ngayon. Datapuwa, O tahanang nanunumpa, Saan galling ang hilig kong masasama? Nagisnan ko’y anong uri ng aruga Sa bbong mong maligalig at pabaya? Di ka salat, ngunit ako’y nagpalimos, Ito’y bunga ng buhay mong walang-tugos: Nadayukdok pati niring pagkamusmos at maamong naturuan ni magkurus. Ikaw naming tambakan ng mga aklat na ang bunga’y pawing hilaw kung mapitas, sa pinto mo’y nanaw akongg diwa’y hubad Datapwat may putong din kahit tunggak! Sana ikaw, O’ pulpito nab ala sa awitin at sa sermong magaganda, Sa bungad lang ng pinto mo’y nakainda ang kabaong ng buhay ko’t kaluluwa. O’ lipunan na kaybuting magpapuri at sa aking lagay ngayo’y umaapi, anong damit ang suot mo pagkagabi? Saan kita natatagpong tabi-tabi! Anong uring panoorin ang handog mo? Anong bababsahing kung mabuyo sa dulot mong kamunduhang pampalango? A, tahana’t paaralang pumapansin, A, simbahan at lipunang umiiring, Kayo, kayo ang marapat panagutin Sa sanlaksang kamusmusang nasa bangin! Bagong Taon Jose Domingo Karasig Bagong Taon…bagong buhay. Magsikhay..magtipid upang hirap di danasin. Ganito rin noong nakaraang taon… Kampana at luses, lobo, rebentador. Serpetinang papel, pakakak na karton Saganang pagkain, putsero at hamon , relyeno, nilaga, alimango, litson, matunog na pung…pung… ng berso sa bumbong! Sinalubong natin nang buong paggiliw itong bagong taon sabay ang dalanging sa santaong hirap tayo ay bihisan subali’t ang sya, di pa nagmamaliw ay nagsimula na naman ng tiisin; Mahal na bilihin at walang gawain! Santaong pighati Ng maraming sawi; Habang iilang gumon sa salapi; Sagad sa Disyembre ang pagkakangiti; At upang maaliw ang nanganghihingi Ay nililimusan ng mapagkunwari; Bagaman ang sanhi Ay tuwa sa budhi! Sa nga simbaha’y May dukha’t mayaman. Ang hiling sa Diyos ay santaong araw, Na maging kabalat ng kaginhawaan: ngunit ang meron ay naliligayahan, Ang talagang wala’y lalong nahirapan, Kabalintunaang Hindi mawatasan! Gayon man ay huwag ibawal ang galak Na sa Bagong taon kusang nilalasap Ng mga mayroon at ng mga salat; Diyan lamang tayo magkakasinlakas Ng ating pagtawa’t n gating halakhak; Lasaping magdamag Ang tuwang sang-iglap! Impong Sela Epifanio G. Matute Ang agwat na naghihiwalay sa magkaibang henerasyon ay kadalasang pinagmumulan ng di-pagkakaunawaan ng mag-anak. Noon ay kataimtimang minamalas ni Impomg Sela ang knayang lalabing-animang taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag. Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang aponng nakatihaya ay matuwid na matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maliban, marhil, sa maminsan-minsang pagkibot ng nga labing nanunuyo at halos kasimputla na ng isperma. Maya-Maya’y marahang dinama ng kanyang palad ang noon g nahihimlay sa maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pag kakahimbing. “Maria Santisima!” ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa noon g apo. “ nagbalik na naman ang kanyang lagnat.” Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang nakakaraan, salamat sa kanyang santong kagyo, ngunit ngayo’y... Mahal na Ina ng Awa! Ito’y kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang kanyang pinakamamahal na si Pepe’y… Maawaing langit! Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang kaisa isang anak na lalaki, sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Imong Sela ang lahat na ng pagmamahat at pag aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung paano siya lumaki. Laki sa nuno ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa malabis na pagpapalayaw. Siya ang dahlia ng malimit na pagkakagalit ni Conrado at ni Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak ang ina ay nagkakapalitan ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palagng ang mtanda abg tagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang si Pepe. At saka ngayo’y…. Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa diwa ang gunita ng nga santo, panata. Debosyon…A……! “Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ng pagtirik ng mga mata, “Para Mo nang awa! Iligtas mo po ang aking apo at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang kunin.” Natatandaaan pa niyang ang panata ring ring yaon ang nagligtas sa kanyang anak na ama ni Pepe nang ito pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito rin ang magligtas naman sa kanyang apo! Maya-maya ang may sakit ay kumilos. Daha-dahang idinilat niya ang kanyang mga matang wari’y nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang paligid. Hindi naglaon ay namatan niya ang kanyang impo sa kanyang tabi. Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka inabot ang kanyang kamay ng matanda. “Lola,” ang mahinang tawag. “Oy, ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe. “Nagugutom ako.” “Ikukuha kita ng gatas.” “Ayoko. Sawa na ako sa gatas.” Ang matanda ay nag atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng dalandan, tsaa, at wala na. Ang nga ito lamang ang maaaring maipakain sa kanya ayon sa bilin ng doctor? “Ibig mo ban g kaldo. Anak?’ “Ayoko!” “Katas ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y itinulak niya at natapon tuloy ang idinulot ng matanda. At si Pepe’y ayaw na away ng tsaa, non pa mang siya’y malakas. “Lola, naggutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y may kahalong ng pagkainip. “Sandali lang, iho,” sabay tindig ng matanda at lumabas ng silid. Pagkaraan ng ilang sandali, si Impong Sela’y nagbalik na taglay na sa kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne, at isang kutsara. “Eto, anak ngunit huwag kang kakain ng marami, hane?” Pagkakita sa pagkain, si Pepe’y nagpilit makaupo ngunit pabagsak na napahigang muli sa sa unan. Ang matanda’y nagmamadaling lumapit sa apong nanghihina. “ Huwag kang pabigla-bigla, iho,” aniya, samantalang inaayos ang nga unan sa tabi ng dingding. “O, dito ka sumandal.” Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal sin sa unan. At siya’y sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang Kutsara. Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni Pepe ang bawa’t subo ng kanyang lola. “Nanay! Ano ang…? Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli na! Ang pinggan ay halos wala ng laman. “Nanay! Wala ba kayong isip?” ang sa pagkabigla ay naibulalas ni Conrado. “ Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na…..? “Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng matanda. “Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang kaunting kanin. Bayan mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat. Totoooooy! Neneeeee!” Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y tumatakbong pumasok sa loob ng silid. “Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang inyong nga kapatid? O, kanin ninyo it, “ at idinulot ni Impong Sela sa nga bata ang natirang pagkain ni Pepe, “saying kung itatapon itong grasya ng Diyos.’ “Huwag!” ang halos naisigaw ni Conrado, “ Inay, hindi ba ninyo nalalamnag si Pepe’y may tipus?” “ E, anongayon? Ang nga bata ay mahahawa, hindi ba?” anangmatanda sa tinig na naghahamon. “Ang irap sa inyo’y pinaniniwalaan ninyong lahat ang dala rito ng nga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit ni Pepe na siyang makakain ng nga bata? Tse! Bakit noong kapanahunan naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at nag=nggagaling lamang sa balon an gaming iniinom na kung minsan ay may liya pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang korobyong iyang pinagsasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong nga tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan na sa inyo ang umaabot sa edad naming? Kaululang lahat iyang pinagsasabi niyo. Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka man sa isang libong doktor. Sa Kanya ka umasa at huwagsa kalokohan.Kanin ninyo ito, ang baling sa nga apo, “at huwag kayong parang nga tuod sa pagkakatayo!” Si Toto’y at si Nene ay nga-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang amang pagkatapos ng mahabang “ sermon” ng kanilang lola ay walang nagawa kundi ang magsawalang kibo na lamang. “ Bakit, natatakot ba kayo?” ang tanong ni Impong Sela sa kanyang nga apo. Hinagisan pa mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. “ Tignan nating kung sino ang masusunod sa bahay na ito! Kanin inyo ito at kung hindi’y…..” Nanginginig na sumunod ang nga bata, samantalang ang kanilang ama’y tumanaw na lamang sa labas ng durungawan. Kinabukasan, si Pepe’y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng may sakit. Tila siya ay iniiihaw. Pabiling-biling sa hihigan, nakalulunos kung humalinghing. Sa nga mata ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kalooobang isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong nga sandali, samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang anak. Naroon din si Impong Sela. “ Masama ang kanyang lagay.” Hindi nagkamali ang doktor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-balikwas si Pepe sa kanyang hihigan at anghihiyaw ng kung anu-anong ikinakakagat ng labi ng mga nakakamalas. Ang nga luha ni Sinang ay tila walang-lagot na tanikala. Walang-patid.Walang-tila. Ang nga ngipinni Conrado’ynagtitiim. Samantalang si Impong Sela’y bumubulong ng walang katapusang nga panalangin. “Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, “ huwag kang umiyak. Ang Mabuti kaya’y dalhin natin siya sa ospital.” “Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag ninyong madala-dala si Pepe sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola. Maaalagaan ko rin siyang mag-isa. Mabiuti ka ngang ama! Noon ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang magkakasakit, ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking nga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon - hayaan mo’t ako ang gagawa!” Ngunit, Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at pagmamakaawa. “ Ano nag ating magagawa rito? Kulang tayo sa nga kagamitan. Samantalang sa ospital…” “Samantalang sa ospital,” kapag si Impong Sela’y nagsimulang manggagad, siya’y handing makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay nasa walang bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kalian ka nila ibig tingnan. Ano ang kuwenta sa kanila nisang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano? Tingnan mo ang nangyari kay kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at …Ave Maria Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi maaari!” Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang humiyaw, ibig niyang maghihimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at lupa! Ngunit wala sa kanyang nangangatal na nga labi ay walang namutawi kundi ang impit na “ Diyos ko!!!” Sa gitna nag kanyang pagluha , ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyong ng isang “hayaan- mo- na- ang- Nanay” na tingin. Kasabay ang isang malalim na buntunghininga, si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t nagtagpuan nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya’y hindi man lang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka…. “Bakit, Nanay?” ang namamanghang tanong ni Conrado. “Nagiisip-isip ko,” ang kanyang hikbi, “ang anak na dalagita ni Juan ay kamamatay lamang noong isang lingo!” “O, ay ano?” lalo namnang namanghang tanong ng kanyang anak na hindi naiugpong ang pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa nga luha ng kanyang ina. “Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawana ang matatandang pamahiin. Marami na akong nakita, Iya’y hindi nagkakabula.” “Pawang nagkataon lamang marahil ang nakita ninyo. Huwag ninyon guluhin ang isip ninyo sa kaululang iyan.” “Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin, “kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nan gang nasira mong ama ay namatay ay ganyan din ang nagyari noong huling gabi bago siya pumanaw. Kaawa-awang Pepe kooo!” At…. Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay nagpatuloy ang pagdaloy hanggang ang nga luntiang damo,sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo, ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa. Mabangis na Lungsod Efren R. Abueg Bawat tao’y may karapatang mabuhay sa daigdig . Huwag ipagkait sa sinuman ang karapatang ito. Ang gabi ay mabilis lumatag sa nga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng nga taong pagal, sa nga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bias. Nguni’t ang gabi ay waring maninipis na sutla lamnag ang dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa nga unang palapag ng nga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagka’t ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng nga ilaw-dagitab Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taon gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroron, katulad ng Quiapo. Sa walnag muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi – at ag Quiapo. Nguni’t isang bagay ang may kabuluhan kay adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang nga tindahang hanggang sa nga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang nga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar. Sapagka’t ang simbahan ay buhay ni Adong. Kung ilang hanay ang pulubing naroroon at nga nagtitinda ng tiket ng suwipistik, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa nga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naaawa, nahahabag. At nakatingala naman ang nga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi san gataong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin iya tuloy sa nga ilaw-dagitab ay parang nga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakura ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang nga bisig sa kalalahad ng kamay, nguni’t ang nga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkos ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na gumagapang sa kanyang katawan. “Mama….Ale, palimos po.” Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng nga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!” “Kung may pumapansin man sa panawagan ni Adong, ang nakikita naman niya ay hirap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng nga magulang para maisugal,” madalas maririnig ni Adong. Nasasaktan siya, sapagka’t ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aleng Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan an paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas. “May reklamo?” ang nakakasindak na tinig ni Bruno. Ang nga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-yumpik siya sa pagbibigay. At ang nga kamay ni Adong ay nanginginig pa habang inilalagayniya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumakalansing sa kanyang bulsa, nguni’t kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!” Ang nga daing ay walang halaga, waring nga patak ng ulan sa malalaking bitak sa lupa. Ang nga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng nga pulubi. Ang nga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinigni Andong ang pagkilos ng nga tao, papalabas , waring nagmamadali na tila bas a wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaululuwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan. “ Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aleng ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Niligom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang nga laman at nagpapatindigsa kanyang nga balahibo ay waring diaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang nga tao – malamig, walang awa, walang pakiramdam –nakadarama siya ng kung anong bagayn na apoy sa kanyang kalooban. Aywan niya kung bakit gayong ang nararamdamanniya matapos mapawi ang kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat’t ang nga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang nga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang nga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang lukbutan. Ilang pang bagol ang nalaglag sa kanyang mga palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang nga taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng nga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga kamay na pagmamadaling pag-iwas. “Adong…ayun na si Bruno.” Narinig niyang wika ni Aline Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na nga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot n agora. Napadukot si Adonmg sa kanyang bulsa. Dinama niya ang nga bagol. Malamig.At ang lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kanyang nga ugat. Nguni’t ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang nga palad ang nga bagol. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” Mabilis niyang sabi sa matanda. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasakta ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!” Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, nguni’t nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahanay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng nga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad At aakala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumuniting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng ng kanyang likod. At sa murang isipanng iyon ni adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha ng nakatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala nita at kinasuklaman. Muling dinaman niya ang nga bagol sa kanyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na nga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng l;agim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo. Nguni’t ang nga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang nga bisig laban sa gutom, sa pangamba at sa kabangisan. “Bitiwan mo ako, Bruno!Bitiwan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. Ang Mabuting Mamamayan Bartolome del Valle Ang mabuti’y mamamaya’y nakikita sa isip, sa salita at sa gawa. Siya’y dangal at timbulan ng bayan. Ang mabuting mamamaya’y walang kibo at tahimik, ang lahat ng sinasabi’y sinusuri’t iniisip: siya’y isang manggagawang ang puhuna’y pawis, bisg pag nangako, ang sinabi’y sa pag gawa ay sinusulit. Ang mabuting mamamayan ay sa batas masunurin, ang tuntuni’y nasa diwa, nasa puso at damdamin; sa paggawa at pagtupad sa hawak niyang tungkulin, ang salaping kinikita’y may katumbas na gawain. Ang mabuting mamamayan ay di taong mapag- imbot, ang pag aari ng iba’y iginagalang ng lubos; sa halip ng pangngangamkam, siya’y taong mapaglingkod, siya’y hindi makaako pagka’t taong maka-Diyos. Kung siya’y isang kawani ng atingpamahalaan ang matapat na paggawa ay tuntunin niyang taglay;ang padulas at parating ay hindi niya hinihintay, agad-agad kung tumupad kahit walang naglalagay. Ang mabuting mamamaya’y magalangin sa matanda ta ipinagsasanggalang ang mahina at ang dukha; pantay-pantay kung tumingi sa mayroon at saw ala, ang mata’y di nasisilaw sa salaping laksa-laksa. Siya ay batang mabait. Masunurin siyang anak, sa tahana’y laging handa sa paggawa at pagganap; bawat iutos sa kanya ay gawaing natutupad, pag nangako, ang sinasabi’y ginagawa agad-agad. Siya’y ina, isang inang ang tahana’y nilalangit,isang amang sa pamilya’y punung-puno ng pag-ibig, isang hala nitong bayang sa kanya ay tumangkilik. 3 Tulang Pambayan Inigo Ed. Regalado Wala ng tatamis pa sa sariling bayan’ Dito’y nadarama ang tunay na kaligayahan. 1. Sa sariling Bayan Ang simo’y ng hangin sa sariling bayan, halik ng pag-asa’t kundiman ng buhay, waring nagsasabing ang kaligayahan sa nagisnang pugad tanging makakamtan. Sangmundo mang tuwa kung sa iba galling, sa sariling puso’y hindi tumitim;nguni’t mabigat man ang dalang hilahil, nagiging magaan sa sariling atin. Sa sariling lupa, lahat ay pag-ibig lahat ay pag-asa, at lahat ay tamis; ang lahat ng dusa’y pawing matiis kung nalililiman ng sariling langit. ll. Sa Dalampasigan Sa dalampasigan ng bayan kong irog ay may nakatanim na tuwa’t himutok, sa talsik ng alon buhat sa may-laot kung minsa’y lumago’t kung minsan’y mabansot. Ang tubo ng tanim ay nakikiayon sa takbo at lakad n gating panahon, kung sa pagkaligaw tayo magtutuloy, ang kabubuliran ay pagkaparool. Tayo baga kaya’y din a sasawaan sa pagkakahilig sa ligayang hiram, kung saka-sakali’y laking kapalaran! Subalit kung hindi’y hidwang kamatayan! III. Alalahanin… Sa ngalan n gating minumutyang lahi at sa karangalan nitong ating lipi, kasayahan nati’y limiting sandali at alalahanin ang nga nasawi. Yaong nangalubid sa dilim ng gabi, kahit ilang saglit y alalahanin, mga araw itong dapat gunitai’t pag-ukulan sila ng nga dalangin. Ang di raw lumingon sa pinanggalingan ay hindi darating sa patutunguhan; ang nangakidigma kung kalilimutan ay parang hinamak ang dangal ng bayan. Sunog Virgilio C. Blones Sa pagpapamilya, magkatuwang ang mag-asawasa pagpapalaki ng nga anak at pagtatayo ng maayos na pamumuhay. Ang akala ni Martin, nang tanungin siya ng isang kasamahan sa opisina kung saan siya sa Tundo ay may kailangan lamang impormasyon sa kanya, kaya wala sa loob na sinagot niya ng “sa Solis”. “Sabi ko na,” at nahalata ni Martin na pabigla at pabulalas ang sagot ng kausap. “Umuwi kana, magmadali ka, baka wala ka nagng abutan sa tinitirhan mo. Magsasang-oras na ang sunog, balita sa radyo. Dib a maikli lang ang Solis?” Nagulumihan si Martin. Hindi na nakuhang ayusin pa ang nga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa. Dinaganan na lamang ng kalsada’y sinalubong na niya ang isang taksing sa-daran at halos pasigaw na nasabi niya sa drayber: “Sa Solis, sa Tundo…” Sumibad ang taksi. Mahigpit ang hawak niya sa hawakangkatad ng sasakyan. Hindi siya m,akasandal sapagkabalisa. “My God…please..iligtas Mo po ang aking nga anak…” nausal niyang panalangin. Kung anu-anong pangitain ang gumitaw sa kanyang muni. Ang nga anak niya’y maliliit pa. Si Elma, tatlong taong gulang at si Dennis, maglilima. Ang kasama nila sa bahay mula nang magkahiwalay sila ni Janet ay ang kanilang katulog lamang. Paano kung makulong sila sa apartment? Sa sunog, ang usok lamang ay sapat nang makamatay. Paano kung mailigtas ng katulong nila ni Elma at hindi na nabalikan si Dennis sa mabilis na paglaganap ng apoy? Mga maliit na bahay na tabla ang kakatnig ng apartment nila sa Solis. “My God….Please…..” Kung sumunod lamang sa kanya si Janet! Si Janet? Nagulat pa si Martin sa alaala ni Janet. Di ba’t isinumpa na niyang kalilimutan na si Janet? Di ba’t mula nang umalis si Janet at iwan silang mag-aama ay isinumpa na niyang wala na siyang asawa? Kung tutuusin, hindi sila dapat nagkahiwalay. Mahal niya si Janet, at alam niyang mahal din siya noon. Pero may nga sandaling ang pagmamahal ay nagiging pagkamuhi kapag namagitan na ang di pagkakaunawan. Pag namagitan na ang pride. “Ang nga lalaki nag ngayon, ang hinahanap ay iyong babaing may trabaho,” natatandaang niyang sabi ni Janet. “ Ang pagpapamilya ay hindi tulad ng noon araw; magkatuwang ang mag asawasa pagtatayo ng maayos na pamumuhay.” “Makaluma nga siguro ako,” sabi niya noon kay Janet. Para sa aming pamilya, habang maliliit pa ang nga anak, ang babae ay sa bahay at ang nga anak, at ang lalaki’y sa labas upang mabigyan sila ng pamumuhay na maayos..Ang mommy ko, Janet ay tumigil ng pagtuturo nang kami’y nagsisipag-aral na rin” “Huwag mo akong laging itutulad sa mommy mo, “sabi ni Jnaet na may igting na ang tono. Nagpakahirap ako sa pag-aaral sa kolehiyo, nalungkot pa ako nang cum laude lamang ako. Ngayon ay may gawain akong maaaring maging isang magandang karera, maaaring lumaki ang aking sweldo. Ang ibig mong sabihin, magpapakahirap pa ako sa pag-aaral kung ako’y para maging taong-bahay lamang?” “Hindi tayo magkaintindihan, Janet. Sa akin, ang nga anak ay hindi dapat lumaki sa pag-aalaga ng katulong lamang. Kailangan nila ang kanilang ina habang nagsisilaki. Ang ina ang humuhubog sa kanila. Hindi mahalaga ang masagana lamang ang nga bata; mas mahalaga ay ang paghubog sa kanilang karakter, ugali. Maiaasa bas a katulong ang paghubog sa mga bata?” Noon pa’y nagkalamat na ang kanilang pagsasama. Wala isa man sa kanila ang ibig magbigay. Para kay Martin, ang lalaki ang dapat masunod sa pamilya sapagkat siya ang bahala sa hanapbuhay. Ang babae ay suporta lamang ng lalaki upang umunlad sa gawain. Ang babae ang higit na makatitingi sa nga anak. Minsan, nag-uwi pa ng gawain sa bahay si Janet, mga gawaing hindi niya natapos sa opisina. Kinaumagahan, nakita ni Janet na pinagsusulatan ng kanilang bunsong si Elma ang ilang papeles. Biglang nag-init ang ulo ni Janet at napalo si Elma. Umiiyak ang batang tumakbo kay Martin. “iyan pa ang sasabihin ko sana sa iyo,” sabi ni Martin. “Kaunting pasensiya sa nga bata. Ano ang kasalanan ng bata kung hindi niya alam na masama ang kanyang ginagawa? Kailangan bang paluin mo ang bata nang di nalalamang may kasalanan siya?” “Pinalo ko para hindi na uulitin,” sabi ni Janet. “ Kung magsalita ka, parang ikaw lamang ang nagmamahal sa mga anak natin.” Ang pagsumbat na tono ni janet ang nasimula ng bagong pagsasagutan. “Kung talagang mahal mo ang ating nga anak, titigil ka na pagtratrabaho at aasikasuhin mo ang kanilang kapakanan,” pasumbat ding sabi ni Martin. “ Isang insulto sa akin iyang ang aking asawa’y nagtratrabaho, baka hindi mo alam. Akala tuloy ng nga kasamahan ko sa opisina, hindi ko kayang buhayin kayong mag-iina. Kung sila’y may sapat na isip at nagsisipag-aral na, magtrabaho kana..” “Tulad na naman ng mommy mo…” patuyang sagot ni Janet. Matigas na ang salita ni Martin: Kung kung hindi ako ang masusunod sa pamilyang ito, buti pang…” “ Ano, maghiwalay tayo? Okey sa akin. Hindi mo ako magagawang karaniwang babae riyan na taong-bahay lamang. May karapatan na ngayon ang mga babae na umunladbilang tao at maipamalas niya ang kanyang kakayaha sa anon mang gawain.” Kinabukasan, nang umuwi si Martin ay ang katulong ang nagbalitang kinuha ni Janet ang nga gamiot at nagbalik sa bahay ng mga magulang. Susugod sana si Martin sa bahay ng mga biyenan niya, mgunit nagpigil siya. Ang matuwid niya, kung magmamatigas din lamang si Janet, buti pang maghiwalay na nga sila. Noon pa’y isinumpa’y isinumpa na niyang makababalik si Janet kung susunod iyon sa gusto niyang iwan muna ang gawain sa labas at asikasuhin ang kanilang mga anak. Ang drayber ng taksi ang pumutol sa nga gunitang iyon ni Martin. “May sunog ho pala sa Solis,” at natanaw ni martin ang napakaraming taong nag-uusyuso sa sunog. May lubid na nakahalang sa pagpasok sa Solis. Nang umibis si Martin sa taksi ay tuloy-tuloy sa lubid na nakahalang. Napamaang siya, nagulumihanan. “My God!” naibulaslas niya at siya’y natulala. Sa tanaw niya’y tupok na ag apartment na tinitirhan nilang mag-aama. Tinangka niyang lunusot sa lubid na iyon ngunit napigilansiya ng isang pulis. “Hindi ka puwedeng lumagpas sa lubid,” sabi ng pulis. “Apartment ko’y sunog na. Ang nga anak ko!” “Sorry ho,” pawakas na sabi ng pulis. Iginala niya ang tingin. Dumalangin sa isipan niya na sana’y Makita niya ang sino mang kakilala na mapagtanungan. Wala siyang nakitang kakilala ni isa. Ibig niyang sumigaw, tawagin ang pangalan ng nga anak at katulong nguni’t naunahan siya ng isang malakas na sigaw sag awing tagilira niya. “Daddy!” At isa pang matinis na tinig: “ Daddy, Daddy!” Nang lumingo siya’y tumatakbong magkasunod ang dalawang sina Elma at Dennis. Hindi pansin ng nga paggigit sa karamihan ng tao, palapit sa kanya. Hindi na niya hinintay na makalapit ang nga anak at pagdaka’y sinugod na niya ang nga ito at paluhod na dinahupang. “My God, salamat po…Salamat po…” at pinagsisiil ng halik ang dalawang bata. “Buti,” sabi ni Dennis, “dumating si Mommy..” “Ha?” At napantindig si Martin nang maramdaman niyang may mga matang nakapako sa kanya, at nakita niya si Janet at ang kanilang katulong. “May nailigtas din kaming nga gamit,” mahinang sabi ni Janet. “ Nang ibalita sa akin ng kapitbahay ay nagsisimula pa lamang ang sunog, mga isang block pa ang layo sa ating apartment. Buti na lang hindi ako pumasok sa opisina..Isinana ko ang nga kuya, naroon sila sa jeep, hinihintay ka lamang naming..” Marahang hinawakan ni Martin si Janet sa balikat. Walang pagtutol iyon. “Thank God,” sabi ni Martin “ Kung Nagkataon…” “Kung nagkataon,” si Janet ang nagtuloy,” hindi ko mapapatawad ang aking sarili, Mart…” Naputol ang pag-uusap nina Martin at Janet nang sumingit ang anak na si Dennis. “Daddy, doon na tayo titira sa mga mommy, sama ulit tayong lahat,” at nakita ni Martin na palipat-lipat ang tingin ng batang lalaki sa kanilang mag-asawa. “Kung …kung papayag ba ang mommy mo, e’” sabi ni Martin na ang tingin sa bta ay inilipat kay Janet. Wala siyang nakitang pagtutol sa mukha ng asawa. Nagging dalawang kmay ang humawak sa magkabilang balikat ni Janet. “Janet, Im sorry…” “Nothing to be sorry about, mart, I have learned my lesson. Natuto na ako. Tama na. Kailangan ako ng mga anko ko habang sila’y mga musmos pa.” Paglilinis ng Kasalanan Iba’t iba ang kaparaanan ng pagbabalik-loob sa Diyos. Samantalang ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Pasko, ang mga Muslim nama’y abala sa pagsasagawa ng kanilang “Araw ng Paglilinis.” Sa mga araw na ito ginagawa ang paglilinis upang mahugasan ang katawan sa pagkakasala. Ito kung tawagin nila ay “Panulak Balah” ay kasalanan. Makaapat na gawin ito: una, sa Disyembre 17; ikalawa, sa Disyembre 24; ikatlo, sa Disyembre 31; at ikaapat, sa Enero 7. Kung minsa, humigit- kumulang sa 5000 katao ang dumadalo sa nasabing seremonya. Ganito ang nga ginagawa ng mga Muslim. Ang mga tao ay pumupunta sa nga dagat. Ang hanay ng nga bata’t matatanda, babae’t lalaki ay nakaharap sa dagat. Sila’y may mga tangang munting bato. Kung gaano karami ang kasalanan ay siya ring dami ng bato. Sa likod ng hanay ay nandoon ang pari na may tangang bao ng niyog. Bubuhusan at sasabuyan niya ng tubig ang mga tao, samantalang siya’y nagdarasal. Ang nga tao nama’y lulubog sa tubig upang hugasan ang kanilang mga kasalanan. Isusunod ang pagtatapon o pagwawaksi sa dagat ang mga batong tangan. Sa gayon, pag naitapon na ang nga bato, sila’ynaibsan na ng mga kasalanan. Matapos ang seremonya sa tubig, sila’y pupunta sa katihan sa nga hapag na may mga handang pagkain. Bago kumain, sila’y titingkayad at paliligiran ang paring bumibigk ng mga salitang galling sa Koran. Isusunod ang kainan. Ang mga natirang pagkain ay itatapon sa dagat. Ituturing na kasalanan ang pag-uuwi sa bahay ng anumang natirang pagkain. Ito’y kasalanang mortal. Ipagpalagay na may isang Islma na nagdala ng isang paa o hita ng prito o nilagang manok. Ang taong iyan ay hindi nahugasan sa pagkakasala. Manapa’y ang kanyang pagkakasala ay dala-dala niya habang taon at ito’y lalong bumibigat sa paglipas ng mga araw. Ang “Panulak Balah” ay ginagawa saan man may naninirahang Muslim. Halimbawa, kahit na sa kaloob-looban ng gubat ng Jolo o Sul, ang nga muslim doo’y dumadalo rin sa seremonya. May mga dala silang pagkain. Ang lahat ng pagkain ay inilalagay sa hapag sa pagsasaluhan ng kalahatan. Dito nagkakatagpo at nagkikilalangmuli ang mga dumalo nang nakaraang taon. Sa dagat ginagawa ang seremonya at hindi sa loob ng dalanginan (Mossque) sapagkat may paniniwala silang ang tubig sa dagat lamang ang may bias upang sila’y mapatawad sa kasalanan. Ito nmarahil ang dahilan kung bakit ang mga Muslim ay sa tabi ng dagat tumitira. Ang “Panulak Balah” ay magandang ugali. Ito’y isang pagharap sa buhay nang buong tiwala na walang inaalaalang kasalanan. Ang Buhay ng Tao Gemiliano O. Pineda Madalas nating maririnig na may nagsasabing “ Ang buhay ng tao ay parang gulong; kung minsa’y nasa mapaibabaw, kung minsa’y mapailalim.” Ngunit marami na mgayon ang nagtatanong: “ Kung totoo yan ay bakit may palaging nasa ibabaw at may palaging nasa ilalim?” Totoong sa panahong ito ay may taong hindi nakararanas ng kadahupan sa pagkain at mga bagay na material. Ang nga tagapagmana ng kayamanan, ang malalaking negosyante at ang mga may-ari ng mga lupain at bahay-paupahan at maraming iba pa ay datna’t panawan ng mga taon ngunit sila at ang kanilang mga anak ay di matitigatig at magpapatuloy sa paglasap ng mga biyaya ng buhay. Samantala, ang mga karaniwang kawani at manggagawa, sa harap ng tumataas na halaga ng mga bilihin; gugol sa pag-aaral at upahan sa bahay, ay nagkakasya na lamang sa mga makakayanan. Kung aasa sila sa kinikita o sinasahod lamang, hindi matutupad kailanman ang pangarap nilang magkaroon ng sariling tahanan sapagkat ang murang lupa ay sa bundok na lamang matatagpuan. Sa dami ng mga nangangailangan, anumang gawin ng gobyerno na maipagpatayo sila ng tahanang maaaring bayaran nang hulugan ay parang patak lamang ng tubig sa karagatan. Ngunit ang buhay ay magpapatuloy. Kakapal ang mga iskuwater, tutubo at lalawak ang tinatawag na kagubatan ng lungsod, at ang mga mayayaman at maykaya ay patuloy na uunlad, sasakop ng magagandang tanawin sa paligid ng Maynila. Sa mga kolehiyo at unibersidad ay patul;oy na dudukal ng karunungan ang mga matatalino at mapupurol ang ulo, ang mga nakaririwasa at ang mga kawani ng iba’t ibang tanggapan, ang mga “iginagapang” ng kani-kanilang mga magulang na nangangarap ng bagong daigdig para sa kanilang mga anak. Sapgkat ang buhay any mananatiling isang pakikkilaban sa lakas ng kaliksasn at sa kahinaan ng bawat isinisilang sa daigdig. Tinutulungan ng Diyos ang tumutulong sa kanilang sarili, anang Banal na Kasulatan. Kaya’t ang nasa ilalim ng gulong ng palad ay napapaibabaw – kung minsan. Dtapwat ang mga napapadala na lamang sa agos ng buhay , ang mga nananatiling hubad sa pangarap at kaukulang pagsisikap – sila’y lalampasan ng kapalaran at maiiwan. At para sa kanila ang buhay ay magpapatuloy – may paminsan-minsang pagbabago ngunit mananatili sa dating daigdig na sinilangan.